Bagong hepe ng PEA at PPA hinirang
January 24, 2003 | 12:00am
Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sina Federico Taguinod bilang bagong General Manager ng Public Estates Authority (PEA) at Ret. AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva bilang Postmaster General ng Philippine Postal Authority (PPA).
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, bukod sa dalawang nabanggit na opisyal, hinirang din ng Pangulo sina Tomas Alcantara at Datu Ibrahim Paglas III bilang mga Director ng PEA.
Sinabi ni Bunye na bagaman nagpahayag kamakailan ang Pangulo na kanyang bubuwagin ang PEA dahil sa pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal hinggil sa overpricing ng Diosdado Macapagal Boulevard, kailangan pa nito na may mangasiwa sa operasyon habang hindi pa nabubuwag ito.
Niliwanag nito na dapat pang magpasa ng isang batas sa Kongreso na magpapatibay ng ganap na pagbuwag ng PEA. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest