300 Custom Bonded Warehouse ipinasara
January 21, 2003 | 12:00am
Ipinasara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mahigit sa 300 Customs Bonded Warehouse at iniutos ang pagbuwag sa "bonded trading warehouses" na siyang natukoy na pinagmumulan ng pagpupuslit ng kontrabando sa bansa.
Ang direktiba ay pinalabas ng Pangulo sa Bureau of Customs kasabay ng kautusang ipagbawal na sa pagpasok ng mga inangkat na produkto sa mga warehouse na ito.
Inatasan din ng Pangulo ang BIR Commissioner na alisin na ang bisa ng mga umiiral na 45,000 Letters of Authority na ginawa noong mga nakaraang administrasyon.
Hiniling din ng Pangulo sa Kongreso ang pagpapatibay ng batas na lilikha sa National Authority for Revenue Administration para ang BIR ang maging isang ahensiyang libre sa katiwalian at may epektibong serbisyo para masugpo ang corruption. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended