Ayon kay Bucor Director Ricardo Macala, kanilang ilulunsad ang Food Prison Agro-Industry Program upang mataniman ng prutas at gulay ang malaking bahagi ng lupain ng mga penal colony gaya ng Iwahig sa Palawan upang makatulong sa "food shortage" sa mga preso.
Bukod dito, nauna nang naglunsad ang Pambansang Bilangguan ng isang konsyerto at may 20 preso na may mga talento sa pagkanta mula sa Maximum Security ng NBP sa Muntinlupa City ang pansamantalang pinalaya upang magsagawa ng mini-concert sa Lipa City.
Isusulong ng NBP ang pagkakaroon ng high-tech facilities mula sa computerization program; ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad, pagpapalawak ng edukasyon sa mga presong nais mag-aral at pagbibigay ng sapat na supply ng tubig. Maglalagay ng shower sa bawat banyo ng mga selda at magpapatayo rin ng Therapeutic Community Centers. (Ulat ni Lordeth Bonilla)