^

Bansa

Pastor dinedo sa trapik

-
Malagim ang sinapit ng isang pastor ng Born Again Christian matapos barilin ng isang hindi nakilalang suspek dahil lamang sa pagtatalo sa trapiko kamakalawa ng gabi sa Davao del Norte.

Patay na nang isugod sa pagamutan ang biktimang si Roel Alibio, 27, pastor ng Four Square Evangelical Church at residente ng Purok 1, Katipunan, Madaum, Tagum City, nasabing lalawigan.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang salarin at sa posibleng pinagtataguan nito.

Sa ulat ng Davao del Norte Provincial Police Office, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang di-inaasahang insidente sa Purok 4, Madaum, naturang lungsod.

Nauna rito, nabatid na nasangkot sa isang aksidente ang bayaw ni Alibio na si Bonifacio Armada.

Sakay umano si Armada ng isang motorsiklo nang makabanggaan niya ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng isang Marlo Ladla hanggang sa magtalo ang mga ito.

Dumating sa nasabing lugar si Alibio upang alamin ang nangyari sa kanyang bayaw subalit bigla na lamang binaril ng dalawang beses ng hindi kilalang lalaki.

Nang matiyak na patay ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Isinasailalim sa pagtatanong ng pulisya si Armada at Ladla upang mabatid kung may kaugnayan ang pagpatay sa naturang pastor sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALIBIO

BONIFACIO ARMADA

BORN AGAIN CHRISTIAN

DANILO GARCIA

DAVAO

FOUR SQUARE EVANGELICAL CHURCH

MADAUM

MARLO LADLA

NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with