Ito ang isusulong ni Compostela Valley Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga mahihirap na mamamayang Pilipino.
Ayon kay Zamora, hindi kailangan ng malaking kapital ang pagtatanim at pangangalaga ng puno ng calamansi kaya puwede itong gawin ng mga walang hanapbuhay o nagnanais ng dagdag na kita. Hindi rin kailangan ng malaking lupang pagtatamnan o palagiang pagdidilig at paglalagay ng fertilizer sa tanim na calamansi.
Mula sa propagation technique na napag-aralan ni Zamora, lahat ng mga bakanteng lupa ay posible ng mataniman ng puno ng kalamansi.
Gamit ang nasabing technique ay kasalukuyang nagpapadami ng tanim na kalamansi sa Kamara si Zamora upang maipamahagi nito sa mga empleado para sa nakatakdang "kick off dispersal activity" sa Marso. (Ulat ni Malou R. Escudero)