^

Bansa

Suhol sa IMPSA pinapalabas kay Ping

-
Hinamon kahapon ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay si Senador Panfilo Lacson na ilabas ang natitirang $7 milyon sa ibinunyag nitong $14 milyong suhol na tinanggap umano ng gobyerno para aprubahan ang built-rehabilitate-transfer contract ng IMPSA.

Ayon kay Pichay, dapat na magpakita ng dokumento si Lacson para patunayan ang kanyang alegasyon sa sinasabi nitong $14 milyong suhol.

"Baka sa kanya napunta ‘yong $7 milyon,"
ani Pichay sa isang panayam.

Magugunita sa ginanap na pagdinig sa Senado ng Committee on Government Corporations and Public Enterprises, sinabi ni Lacson na ikinuwento sa kanya ni Manila Congressman Mark Jimenez na $2 milyon ang napunta kay dating Justice Secretary Hernando Perez, $4 milyon sa Malacanang, $1 milyon sa "for the boys" at $7 milyon sa hindi binanggit na mga tumanggap. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

GOVERNMENT CORPORATIONS AND PUBLIC ENTERPRISES

HINAMON

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LACSON

MALOU RONGALERIOS

MANILA CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

PICHAY

PROSPERO PICHAY

SENADOR PANFILO LACSON

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with