2 Associate justice kinastigo ng SC
January 17, 2003 | 12:00am
Dalawang Associate Justices ng Sandiganbayan na may hawak ng kasong plunder ni dating Pangulong Joseph Estrada at dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada ang kinastigo ng Supreme Court(SC).
Sa 27-pahinang desisyon na ipinalabas ng SC en banc sa panulat ni Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez, pinagmumulta ng halagang P13,000 ang nagretirong Sandiganbayan Third Division Chairman na si Associate Justice Anacleto Badoy habang si Plunder Special Division Justice Teresita Leonardo de Castro ay pinagalitan ng Kataas-taasang Hukuman.
Nagsimula ang kasong administratibo ni Badoy bunsod ng kontrobersyal na pagpunta nito sa GMA 7 sakay ng isang ambulansya para magpa-interview at ibunyag sa buong bansa na nawawala ang kanyang ginawang resolusyon na nag-aatas na ikulong ang mag-amang Estrada sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Ninakaw umano ng isa sa kanyang mga tauhan ang kanyang ginawang hatol at posibleng ibenta sa ibang tao.
Iginiit ng SC na hindi dapat ipagkalat sa buong bansa ang isang desisyon na itinuturing ng Mataas na Hukuman na isang sagradong hatol.
Nilinaw din na ang multang P13,000 ni Badoy ay ikakaltas sa kanyang retirement benefits.
Si de Castro ay kinastigo dahil sa ginawa nitong pagpapalayas sa abogado ni Estrada na si Atty. Rene Saguisag matapos itong i-contempt ng una at ni Badoy dahil sa ginawa nitong pambabastos sa hukuman. Kapwa nagkamali ang dalawang nabanggit na mahistrado nang parusahan nila si Saguisag dahil lamang sa init ng kanilang ulo.
Sinabi ng SC na walang nakikita na anumang paglabag kay Saguisag nang ipilit nitong bigyan siya ng kopya ng pre-trial order at bigyan sila ng pagkakataon na pag-aralan ito dahil sa karapatan ito ng kanyang kliyente. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest