Suspek sa masaker tiklo
January 17, 2003 | 12:00am
Naaresto ng mga operatiba ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang isa sa tatlong suspect sa pagnanakaw at pagpatay sa isang US missionary at katulong nito kamakalawa ng madaling araw sa Culiat, Quezon City.
Iniharap kahapon ni CPD Director Sr. Supt. Napoleon Castro sa mga mamamahayag ang suspect na si Jesus Austero alyas Niño,19, tricycle driver at residente sa #101 Area 1-B Luzon Avenue, Brgy. Balara, nasabing lungsod.
Ayon kay Castro, sa tulong ng ipinalabas na cartographic sketch, agad na nadakip ang suspect sa tirahan nito dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi at nabawi sa kanya ang mga ninakaw na isang 3310 Nokia cellphone, duguang backpack, Gucci wristwatch, hikaw, kuwintas, bracelet, diamond singsing at P15,000 cash.
Inaresto rin ang ina ng isa pang suspect na si Gng. Marlyn Mallo, ng Area 1-A, nasabing lugar makaraang aminin nito na inutusan niyang magtago ang kanyang anak na si Nomer Mallo, 19, obrero ng RAMBAS Builder matapos ang ginawang pagpatay kay Myrnaloie Beebe, 58, American citizen at missionary ng Osborne Missionary at katulong nito na si Jovielyn Parejo, 21, ng 13 Viola St., Dominic Subdivision, Culiat.
Nakumpiska mula kay Gng. Mallo ang duguang P2,000 na ibinigay ng kanyang anak bago tumakas.
Sa isinagawang follow-up operation, nabigo ang pulisya na mahanap si Mallo sa pinagtataguan nito sa Tigiib, Tuguegarao, Cagayan.
Sa interogasyon ng pulisya, itinuro ni Austero na mastermind sa krimen ang kasamang si Ralph Lexter Roxas, pamangkin ng biktimang missionary na ngayon ay target din ng CPD.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na plinano ng tatlong suspect ang krimen noong Enero 13 sa loob ng isang fastfood chain hanggang sa isakatuparan ang plano noong Martes ng hatinggabi.
Wala umanong balak ang mga suspect na patayin si Beebe subalit nang manlaban at magsisigaw ay napilitan siyang saksakin pati ang sumaklolong katulong.
Bagamat kinukunsidera ng pulisya na lutas na ang kaso, masusi pa ring nagsasagawa ang ng masusing imbestigasyon upang mabatid ang tunay na "utak" sa masaker.(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest