PNPA chief sinibak sa hazing
January 14, 2003 | 12:00am
Sinibak kahapon ni Interior and Local Government Secretary at National Police Commission (Napolcom) chairman Jose Lina Jr. si Senior Supt. Nicasio Radovan Jr. bilang director ng Philippine National Police Academy (PNPA) at tatlo pang opisyal matapos silang mabigong mapatigil ang hazing sa naturang police academy na ikinasawi ng isang kadete kamakailan.
Bukod kay Radovan, sinipa rin sina P/Sr. Insp. Rizalito Gapas bilang tactical officer ng Alpha Company; 3rd class cadet Jeromy Polquiso at Darwin Balogang dahil sa kasong misconduct na naging dahilan ng pagkasawi ng biktimang si 4th class cadet Jeofrey Andawi.
Ipinalit kay Radovan si P/Chief Supt. Reynaldo Varilla bilang bagong director ng PNPA academy at sina Supt. Roman Felix at Supt. George Rabina bilang camp comanders.
Sinabi ng kalihim na marami pang opisyal sa PNP ang gugulong ang ulo kapag hindi nila napatigil ang naturang "barbaric" na gawain.
Inatasan pa rin ni Lina ang Criminal Investigation and Detection Group na madaliin ang imbestigasyon sa naturang kaso at huwag itong mauwi sa mga "unsolved cases." (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest