Aminado si Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na may mga inihandang programa na may kinalaman sa 2004 presidential elections subalit ito ay aalisin dahil umatras na rin ang Pangulo sa halalan.
Isa ito sa napag-usapan sa idinaos na Cabinet workshop sa Malacañang na naglalayong repasuhin ang mga programa ng administrasyon.
Kabilang sa mga programa ng administrasyon na may acronym na GMA ay Gabay ng Mamamayan Action center ng DILG, Ginintuang Masaganang Ani ng Dept of Agriculture, GMA cares ng DPWH at Gawang Mahusay Abot-kaya para sa mga proyektong pabahay ng Housing Dept.
Ang hakbang ng Palasyo ay bilang pagtupad sa naunang pangako ng Pangulo na iiwas na ito sa isyu ng pulitika. (Ulat ni Ely Saludar)