^

Bansa

Proyektong may acronym na GMA ipatitigil!

-
Seryoso ang Malacañang na iwaksi na ang usapin ng pulitika at upang patunayan ay ipatutupad na ang pag-aalis ng mga proyekto ng pamahalaan na may acronym na GMA at ang mga programang pagpapaganda ng imahe para sa eleksiyon.

Aminado si Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na may mga inihandang programa na may kinalaman sa 2004 presidential elections subalit ito ay aalisin dahil umatras na rin ang Pangulo sa halalan.

Isa ito sa napag-usapan sa idinaos na Cabinet workshop sa Malacañang na naglalayong repasuhin ang mga programa ng administrasyon.

Kabilang sa mga programa ng administrasyon na may acronym na GMA ay Gabay ng Mamamayan Action center ng DILG, Ginintuang Masaganang Ani ng Dep’t of Agriculture, GMA cares ng DPWH at Gawang Mahusay Abot-kaya para sa mga proyektong pabahay ng Housing Dep’t.

Ang hakbang ng Palasyo ay bilang pagtupad sa naunang pangako ng Pangulo na iiwas na ito sa isyu ng pulitika. (Ulat ni Ely Saludar)

AMINADO

ELY SALUDAR

GABAY

GAWANG MAHUSAY ABOT

GININTUANG MASAGANANG ANI

HOUSING DEP

MALACA

MAMAMAYAN ACTION

PANGULO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with