Ipinagmalaki ng dating pangulo na puwede na siyang tumingkayad na dati-rati ay hindi niya magawa noong hindi pa siya nakakapaligo sa "miraculous fountain" ni RVM Sister Gloria Ross sa Mother Ignacia healing center sa Caloocan City kamakailan.
Ayon kay Estrada, pagkaraan ng kanyang paliligo sa "milagrosong tubig" ay 50 ulit na ine-exercise niya ang may kapansanang mga tuhod sa pamamagitan ng sit-up tuwing umaga.
Hindi na rin anya siya umiinom ng gamot na pampaalis ng kirot ng kanyang mga tuhod mula noon. Hindi masabi ni Estrada kung kailangan pa rin niyang pumailalim sa operasyon sa Amerika.
Hindi man sinabi, nagbigay ng indikasyon ni Estrada na nagpapasalamat siya sa pahintulot na binigay ng Sandiganbayan para siya makapaligo sa "milagrosong fountain" na naging daan sa bagong kasiglahan na nararamdaman ngayon ng kanyang katawan. (Ulat ni Lilia Tolentino)