^

Bansa

Maganto tutugis kay Cardeno

-
Isang mabigat na tungkulin ngayon ang iniatang kay dating traffic czar chief Supt. Romeo Maganto matapos na italaga siya bilang hepe ng binuong task force na tutugis sa wanted na si Supt. Rafael Cardeno.

Itinalaga ni PNP chief, Director General Hermogenes Ebdane si Maganto base umano sa kahilingan ng mga kamag-anak ng pinaslang na si Young Officers Union (YOU) spokesman Army Capt. Baron Cervantes na pinaslang noong Disyembre 31, 2001.

Kinuha si Maganto sa floating status upang pamunuan ang paghahanap kay Cardeno na siyang itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Cervantes.

Direkta itong magre-report ng takbo ng kanilang operasyon kay National Secuirty Adviser Roilo Golez.

Ang naturang rekomendasyon ay dahil sa magandang track record ni Maganto nang ito ang makadakip sa dating mailap na puganteng si Rolito Go ng makatakas ito sa Rizal Provincial Jail. Si Go ang itinuturong pumatay kay La Salle student Eldon Maguan sa simpleng gusot sa trapiko.

Una nang nagpalabas ang DILG ng P500,000 sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Cardeno na magreresulta sa pagkakadakip nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMY CAPT

BARON CERVANTES

CARDENO

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

ELDON MAGUAN

LA SALLE

MAGANTO

NATIONAL SECUIRTY ADVISER ROILO GOLEZ

RAFAEL CARDENO

RIZAL PROVINCIAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with