^

Bansa

RP-US security cooperation pinalakas

-
Sa harap ng napipintong pagsalakay ng tropang Amerikano sa Iraq, muling nakipagpulong kay Pangulong Arroyo si US Ambassador Francis Ricciardone para mapalakas pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Ang one-on-one meeting ay ginawa sa official residence ng US envoy sa Club John Hay sa Baguio City kung saan dinadaos ang taunang pagdiriwang ng Pasko para sa mga Filipino at American officials.

Sa panayam, sinabi ng Pangulo na pinag-usapan ang pagtutulungan sa pang-seguridad sa pagitan ng RP at US dahil ito ang isa sa mga bagay na nagpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa sa panahong ito ng kagipitan dulot ng problema sa terorismo.

Tinalakay rin ang tulong na kailangan pa ng Pilipinas at sa pagbalik ni Ricciardone sa Washington ay ipapaabot nito sa White House ang kanilang pinag-usapan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AMBASSADOR FRANCIS RICCIARDONE

AMERIKANO

BAGUIO CITY

CLUB JOHN HAY

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PASKO

PILIPINAS

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with