Ito ang reaksiyon kahapon ni AFP spokesman ret. Brig. Gen. Eduardo Purificacion sa pahayag ni CPP-NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal ng umanoy kahandaan na muli ng grupo nitong umupo sa negotiating table para sa pag-usad ng negosasyong pangkapayapaan.
Sinabi ni Purificacion na posibleng naalarma ang komunistang kilusan sa resulta ng survey kung saan nakasaad na 62 porsiyento ng mga Pilipino ang wala nang tiwala o paniniwala sa NPA habang 68% naman sa mga ito ang nagnanais nang matuloy ang usapang pangkapayapaan.
Base pa sa resulta ng survey, malaking porsiyento ang nabawas sa mga naniniwala sa adhikaing ipinaglalaban ng rebeldeng grupo bunga na rin ng pagkakasangkot ng mga ito sa serye ng paghahasik ng terorismo sa ibat ibang panggugulo sa peace and order.
Naniniwala naman ang militar na taktika lamang ito ng NPA sa kadesperaduhang mabago ang pananaw ng taumbayan sa pamamagitan ng pagkukunwaring bukas ang maka-kaliwang hanay sa peace negotiations pero sa katotohanan ay ayaw pa rin ng mga itong paawat sa panggugulo sa peace and order. (Ulat ni Joy Cantos)