^

Bansa

Adik nilitson ang sarili

-
Masakit ang naging kamatayan ng isang drug addict na binata nang sunugin nito ang sarili sa loob ng bahay ng kanyang childhood sweetheart sa Tagumpay St., Brgy. Sindalan, San Fernando City, Pampanga.

Uling na lamang ng madiskubre ang bangkay ni Danilo Sicat, 42, ng Purok 4 Paraiso st., nasabing barangay. Kinilala naman ang may-ari ng bahay na si Adelina Quizon Alvarado, dating kasintahan ni Sicat.

Ayon sa report ng pulisya, dumating ang suspek sa bahay ni Alvarado dakong alas-2 ng hapon na lango sa ipinagbabawal na gamot. Niyaya umano ni Sicat ang dating kasintahan na lumabas at makipag-date habang wala ang asawa ng babae, subalit hindi pumayag ang babae sa gusto ng dating nobyo. Para ‘wag madamay, lumabas ng bahay ang babae kasama ang dalawang anak at iniwang mag-isa ang suspek.

Nagkulong sa loob ng bahay ng babae ang suspek at maya-maya pa ay biglang nakarinig ng malakas na pagsabog sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ay nagsimula ng magliyab ang buong kabahayan pero hindi lumabas ang suspek.

Humupa ang sunog sa pagdating ng mga bumbero at kanilang nadiskubre ang natustang katawan nito.

Ayon naman sa mga kapitbahay ng biktima, sina Sicat at Alvarado ay matagal ng magkasintahan mula pa sa pagkabata ngunit hindi nga lang sila sinuwerteng magkatuluyan dahil nag-asawa ang babae, habang ang suspek na nanatiling tapat ay hindi na nag-asawa pa hanggang sa malulong sa droga. (Ulat ni Pesie Miñoza)

vuukle comment

ADELINA QUIZON ALVARADO

ALVARADO

AYON

BAHAY

BRGY

DANILO SICAT

PESIE MI

SAN FERNANDO CITY

SICAT

TAGUMPAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with