^

Bansa

PNP-Japan training sa Enero

-
Nakatakdang dumating sa Enero ang isang delegasyon ng mga pulis buhat sa Japan upang magsagawa ng pagsasanay kasama ang mga lokal na pulisya ng Pilipinas laban sa terorismo at international crimes.

Sinabi ni PNP Human Resource Development director, Chief Supt. Avelino Razon, bukod sa pagsasanay, layunin ding mapaigting ang bilateral cooperation ng dalawang bansa.

Ituturo ng mga Hapones na pulis ang kanilang makabagong sistema sa pagsugpo sa mga krimen at pagtukoy sa mga terorista. Mapapakinabangan din ang mga high-tech na kagamitan na dadalhin ng mga ito sa pagsasanay.

Nagsagawa na ng pagpupulong at naaprubahan na rin ang naturang pagsasanay ng pamahalaan at Japanese ambassador kamakalawa.

Tatalakayin din sa training ang boarder security, reaction force, investigation at interrogation sa pagsugpo sa kriminalidad.

Makakatulong umano nang malaki ang kaibahan ng peace and order ng Japan sa bansa na puwedeng tularan para makatulong sa paglago ng ekonomiya. (Ulat ni Danilo Garcia)

AVELINO RAZON

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

ENERO

HAPONES

HUMAN RESOURCE DEVELOPMENT

ITUTURO

MAKAKATULONG

MAPAPAKINABANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with