Ito ay matapos na imungkahi sa Malacañang ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Dionisio Santiago ang Christmas ceasefire laban sa NPA.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na malaki ang posibilidad na pagbigyan ni Pangulong Arroyo ang mungkahi ni Santiago bagamat may nauna na itong desisyon na huwag magdeklara ng tigil-putukan.
Ang naunang desisyon ng Pangulo na huwag magdeklara ng tigil-putukan ay para sa kapakanan ng mga sundalo na naglalayong makaiwas sa anumang panganib dahil sa posibleng paglabag ng mga rebelde sa ceasefire. (Ulat ni Ely Saludar)