^

Bansa

87 Pinoy deportees mula US umuwi na namang nakaposas

-
Umaabot sa 87 Filipino deportees karamihan ay mga kabataang babae ang umuwi na namang nakaposas sa bansa mula sa Estados Unidos kahapon ng hapon.

Sakay ang mga nabanggit na Pilipino ng isang chartered plane na lumapag sa Clark Airport sa Clark, Pampanga.

Isa sa mga deportee ay galing sa prominenteng pamilya na malapit kay dating Pangulong Estrada.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, ang takdang pagdating kahapon ng mga deportees ay hindi inianunsyo dahil sa kahilingan na rin ng mga ito para sa kanilang privacy.

Nabatid na ipinosas ang mga kamay at paa ng mga deportees nang sila ay isakay sa eroplano bilang pagtupad sa pinaiiral na civil aviation security ng US government.

Isang oras bago mag-landing ang eroplano ay tinanggal ang kanilang mga posas sa paa.

Nagtalaga ang DFA ng tatlong consulate officials na siyang mag-eescort sa mga ito hanggang sa kanilang pagdating sa bansa. (Ulat nina Ellen Fernando/ Pesie Miñoza)

vuukle comment

AYON

CLARK AIRPORT

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

ISA

ISANG

PANGULONG ESTRADA

PESIE MI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with