Office ng Mayor binomba: Vice mayor kakasuhan
December 14, 2002 | 12:00am
CARMONA, Cavite Nakatakdang sampahan ng kasong attempted murder with conspiracy ang kasalukuyang vice mayor ng bayang ito makaraan ikanta ito ng tatlong naarestong suspek na kanyang inutusan umano para pasabugin ang mismong opisina ni Carmona Mayor Roy Loyola, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang tatlong suspek na agad na sinampahan ng kaso na sina Domingo Algordo, kasalukuyang nasa pagamutan makaraang maputulan ng kanang kamay at masabugan sa mukha; Dante Alumia, kapatid ng incumbent vice mayor ng bayang ito na si Amador Alumia, at si Wilmon Alevada ng nasabi ding lugar, supporter ng bise alkalde.
Samantala nakatakda ding kasuhan si Vice Mayor Alumia na positibong itinuro ng mga suspek na siya umanong utak sa pagpapasabog na ang pakay ay patayin talaga si Mayor Loyola.
Sa panayam kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. Roberto Rosales, ganap na alas-11:30 ng gabi kamakalawa ng maganap ang pagsabog.
Nasa kisame noon ng opisina ni Mayor Loyola ang suspek na si Algordo at ikinakabit nito sa isang cellphone ang wire ng bomba na nakatapat mismo sa upuan ng mayor, habang ang isang granada ay nakalagay naman sa gilid ng lamesa ni Loyola na may maliit na tali. Sa oras na masagi ito ay siguradong sasambulat ang opisyal.
Napag-alaman na nagkamali ng kabit ang suspek kaya agad na sumabog ang kinakabit nitong bomba sa kisame dahilan ng pagkaputol ng kanang kamay nito at pagkawasak ng mukha.
Kaugnay nito, bago umano naganap ang insidente, ganap na alas-3:30 ng hapon ay may nakakita umano sa suspek na si Algordo na kausap si Dante sa loob mismo ng opisina ng vice mayor na hinihinalang dito isinagawa ang plano sa pagkakabit ng bomba sa opisina ng alkalde.
Matapos ang pagsabog ay agad namang ikinanta ni Algordo ang dalawa pa niyang kasabwat kasama ang kapatid ng vice mayor.
Sa kasalukuyan ay dalawang motibo ang pumapasok sa naganap na insidente, una ay pulitika at pangalawa ay awayan sa lupa.
Hindi naman mahagilap si Vice Mayor Alumia para hingan ng komento. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended