Bata ni Lacson pinalayas sa Crame
December 12, 2002 | 12:00am
Pinaalis na sa kanilang mga quarters sa loob ng Camp Crame ang tatlong heneral kung saan dalawa dito ay kilalang mga dikit kay Sen. Panfilo Lacson.
Binigyan na ng kanilang notice to leave ang mga opisyal na sina Chief Supt. Francisco Zubia, C/Supt. Reynaldo Acop at C/Supt. Vic Batac na pawang nasa floating status ngayon.
Agad namang itinanggi ni PNP spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na may bahid ng pulitika ang naturang aksiyon dahil sa kilala sina Zubia at Acop na kaalyado ni Sen. Lacson.
Ang hakbang umano ay upang mabigyan ng espasyo ang ibang mga opisyal na nakatalaga ngayon sa mga opisina ng Crame bilang bahagi ng "equitable housing privilege."
Itoy upang masiguro na may malapit na matitirhan ang mga opisyal at 24 oras na magiging available sa kanilang serbisyo sa mga opisina.
Hindi na umano kailangan ng tatlong opisyales ang kanilang mga quarters dahil sa pansamantalang hindi sila nag-oopisina sa Crame at para mapagbigyan naman ang iba.
Kasalukuyang nire-review na rin ng PNP ang pangalan ng mga opisyales na nakadetalye sa Kampo na nangangailangan ng quarters. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 7, 2026 - 12:00am