Pinoy deportees mula sa US ipinakiusap na wag posasan
December 12, 2002 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pakiusapan ang US government na huwag ng posasan ng mga overseas Filipino workers na ipapa-deport sa bansa.
Ito ay kaugnay sa napipintong deportasyon ng ilang OFWs ng US Immigration and Naturalization Service (INS) dahil sa paglabag sa American Immigration laws. Tinatayang nasa 80-100 Pinoy ang nakatakdang ideport sa susunod na mga araw.
Sinabi nito na sa kabila na nilabag ng OFWs ang naturang batas ay hindi naman kasong kriminal ang mga naging kasalanan nito na kailangan posasan.
Pinasisiguro rin ni Lozada kay RP Ambassador Albert del Rosario na mayroong representante ng embahada ang Pinoy deportees sa pagsakay ng mga ito sa eroplano. Batay sa report, umaabot sa 70% deportees ang may felony records tulad ng assault, drugs o sexual abuse habang 30% naman ay hindi lamang sumunod sa immigration laws. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest