^

Bansa

Mag-amang Estrada magpapa-Pasko sa kanilang bahay

-
Bukas ang pamahalaang Arroyo na pumayag sa panawagan ng iba’t-ibang sektor na i-house arrest na lamang ang dating Pangulo Joseph Estrada kasama ang anak nito na si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada kaya’t may posibilidad na makauwi ngayong Pasko ang mag-ama sa kanilang tahanan.

Ito ang inihayag ni Housing Secretary Michael Defensor dahil sa nakausap niya sa Veterans Memorial Medical Center ang mag-amang Estrada at pinag-usapan nila ang naging panawagan ng iba’t-ibang sektor na ipailalim na lang sila sa house arrest.

Ayaw aminin ni Defensor na siya ang ipinadala ni Pangulong Arroyo dahil sa ito umano ay personal niyang desisyon ang pagpunta doon.

Inakusahan naman ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos si Pangulong Arroyo na kaya lumambot ito sa isyu ng house arrest sa mag-amang Estrada ay para makuha ang simpatiya ng masa.

Subalit kahit umano pumayag si Estrada na mailagay siya sa house arrest ay balewala rin kung hindi naman ito pahihintulutan ng Sandiganbayan kaya’t balewala rin ang pakikipag-negosasyon ng Malacañang.

Samantala,sinabi naman ni Police Security and Protection Office Director, C/Supt. Prospero Noble na hindi nila maiaalis ang posibilidad na hindi nila makontrol ang sitwasyon partikular ang pagdagsa ng mga taong nais bumisita kay Estrada sa kanyang bahay sa no.1 Polk St., Greenhills, San Juan. (Ulat nina Lilia Tolentino,Malou Escudero at Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

HOUSING SECRETARY MICHAEL DEFENSOR

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

LILIA TOLENTINO

MALOU ESCUDERO

PANGULO JOSEPH ESTRADA

PANGULONG ARROYO

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE DIRECTOR

POLK ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with