Bold stars haharap sa Kongreso
December 10, 2002 | 12:00am
Inaasahang maraming dadalo ngayong araw na ito na ikaluluwa ng kanilang mga mata dahil sa darating ang ilang kilalang bold stars para sa isasagawang hearing ng House Committee on Public Information kaugnay sa House Bill No. 4549 na naglalayong ipagbawal ang paglalathala ng mga hubad nilang larawan sa ibat-ibang pahayagan.
Kabilang sa mga pinadalhan ng imbitasyon sina Maui Taylor, Aubrey Miles, Rica Peralejo at maging ang lalaking bold star na si Rodel Velayo.
Sa ilalim ng HB 4549 na inakda ni Compostela Valley Rep. Manuel "Waykurat" Zamora, ipagbabawal ang paglalathala ng mga hubad na larawan,sex stories, at iba pang uri ng artikulo sa mga pahayagan.
Sinabi ni Samar Rep. Romualdo Vicencio, chairman ng komite nais nilang kumpirmahin sa mga artista kung totoo na naaabuso ang kanilang karapatan sa paglalathala ng kanilang mga hubad na larawan.
Layunin din ng komite na mapangalagaan ang interes ng mga aktres at aktor sa balitang hindi sila binabayaran ng wasto ng kanilang mga producers.
Sisikapin din ng komite na alamin kung mayroong kinalaman ang mga naglalabasang malalaswang litrato sa pelikula at mga pahayagan sa lumalalang krimen ng panggagahasa.
Maging ang Movies Television and Review and Classification Board (MTRCB) officer in charge Dennis Manicad ay inimbitahan para alamin ng komite kung anong hakbang ang ginagawa nila upang higpitan ang paglalabas ng mga bold films. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended