Nangako rin ang mga lider sa Pangulo na tuluy-tuloy ang Official Development Assistante para sa Pilipinas at determinado sila na tulungan ang pagsisikap upang mamayani ang kapayapaan sa Mindanao.
Ang unang kasunduan ay nagkakahalaga ng 1.5 billion yen grant assistance para sa economic at development projects sa ARMM.
Ikalawa ay ang 5.2 billion yen Metro Manila Fire Protection Enhancement Project. Sa ilalim ng proyektong ito ay magpapatayo ng 30 bagong fire stations, pagkukumpuni ng 124 iba pa at pagtatayo ng 22 central fire stations.
Tinalakay ng Pangulo at ni Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi ang mga paraan para sa pagtatag ng Japan-Philippine economic partnership at sakop nito ang posibleng free trade agreement, pamumuhuan, human resource development at ibang uri ng economic cooperation. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar)