^

Bansa

Bagong puhunan dala ni GMA mula sa Japan

-
Nakabalik na kahapon sa bansa si Pangulong Arroyo dala ang mga bagong puhunan mula sa Japan at karagdagang grants, partikular sa kapakinabangan ng Mindanao.

Nangako rin ang mga lider sa Pangulo na tuluy-tuloy ang Official Development Assistante para sa Pilipinas at determinado sila na tulungan ang pagsisikap upang mamayani ang kapayapaan sa Mindanao.

Ang unang kasunduan ay nagkakahalaga ng 1.5 billion yen grant assistance para sa economic at development projects sa ARMM.

Ikalawa ay ang 5.2 billion yen Metro Manila Fire Protection Enhancement Project. Sa ilalim ng proyektong ito ay magpapatayo ng 30 bagong fire stations, pagkukumpuni ng 124 iba pa at pagtatayo ng 22 central fire stations.

Tinalakay ng Pangulo at ni Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi ang mga paraan para sa pagtatag ng Japan-Philippine economic partnership at sakop nito ang posibleng free trade agreement, pamumuhuan, human resource development at ibang uri ng economic cooperation. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar)

ELY SALUDAR

IKALAWA

JAPAN-PHILIPPINE

JAPANESE PRIME MINISTER JUNICHIRO KOIZUMI

LILIA TOLENTINO

METRO MANILA FIRE PROTECTION ENHANCEMENT PROJECT

MINDANAO

OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANTE

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with