Ayon kay Atty. Agnes Devenadera, spokesperson ng legal panel ni Perez na pinagbasehan nila ang kasong libelo laban kay Villarama dahil sa pagtukoy nito kay Perez bilang "$2-million dollar man" sa Gabinete.
Idinagdag pa ni Devenadera na mayroon silang sapat na basehan upang sampahan ng kasong libelo si Villarama dahil pinangalanan niya ang kalihim kahit ang pinagbatayan nito ay isang unverified documents.
Bukod dito, ang kanila umanong hinihinging P10 million damages ay hindi sapat kumpara sa tunay na pinsala sa reputasyon ni Perez at sa pamilya nito.
Samantala, sa Batangas RTC naman isinampa ng mga abugado ni Perez ang P10-M civil case laban kay Jimenez dahil sa akusasyong tumanggap ng $2-M suhol ang kalihim.
Kasong sibil lamang ang isinampa para di maantala ang extradition case sa kongresista. (Ulat nina Gemma Amargo/Andi Garcia)