^

Bansa

P10-M libel ni Perez vs Villarama isinampa

-
Tinutoo na ng nakabakasyong si Justice Secretary Hernando Perez ang kanyang bantang demanda makaraang pormal na maghain kahapon ng P10 million libel case sa Manila Prosecutors Office laban kay Bulacan Rep. Willie Villarama at P10 million civil case laban naman kay Rep. Mark Jimenez.

Ayon kay Atty. Agnes Devenadera, spokesperson ng legal panel ni Perez na pinagbasehan nila ang kasong libelo laban kay Villarama dahil sa pagtukoy nito kay Perez bilang "$2-million dollar man" sa Gabinete.

Idinagdag pa ni Devenadera na mayroon silang sapat na basehan upang sampahan ng kasong libelo si Villarama dahil pinangalanan niya ang kalihim kahit ang pinagbatayan nito ay isang unverified documents.

Bukod dito, ang kanila umanong hinihinging P10 million damages ay hindi sapat kumpara sa tunay na pinsala sa reputasyon ni Perez at sa pamilya nito.

Samantala, sa Batangas RTC naman isinampa ng mga abugado ni Perez ang P10-M civil case laban kay Jimenez dahil sa akusasyong tumanggap ng $2-M suhol ang kalihim.

Kasong sibil lamang ang isinampa para di maantala ang extradition case sa kongresista. (Ulat nina Gemma Amargo/Andi Garcia)

AGNES DEVENADERA

ANDI GARCIA

BULACAN REP

GEMMA AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MARK JIMENEZ

PEREZ

VILLARAMA

WILLIE VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with