Pagbabago sa Gabinete gagawin kung kinakailangan
December 2, 2002 | 12:00am
Tiniyak kahapon ng Malacañang na magsasagawa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga pagbabago sa komposisyon ng kanyang Gabinete kung hinihingi ng pagkakataon at pangangailangan.
Ang pahayag ay ginawa ni Press Secretary Ignacio Bunye kasunod ng kritisismo ng oposisyon na kinabibilangan nina Senador Edgardo Angara at Tessie Aquino-Oreta na pampaganda lang ng imahen ang inianunsiyong pagbabalasa sa Gabinete nitong nakaraang Sabado.
Sinabi ni Angara na ang dapat na inalis sa tungkulin ng Pangulo ay ang itinuturing na "weakest link" tulad ng ilang miyembro ng "economic team" na responsable sa paglobo ng budget deficit ng bansa.
"Ang Pangulo ang siyang higit na nakakabatid kung ano ang dapat niyang gawin. Binalangkas niya ang mga programang dapat ipatupad at alam niya kung sinu-sino ang mga magpapatupad nito. She will make changes in the Cabinet as and when the need arises," ani Bunye. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest