^

Bansa

Gobyerno gagastos ng P2-B sa seminars, trainings ng employees

-
Tinutulan kahapon ni Senator Ralph Recto ang plano ng pamahalaan na gumastos ng P2 bilyon para lamang sa mga seminars ng mga government employees sa susunod na taon.

Sinabi ni Sen. Recto, mababawasan ang nasabing paggugol ng salapi sa pagdaraos ng mga training at seminars ng mga gov’t employees sa susunod na taon kung ang mga ito ay hindi gagawin sa mga 5-star hotels at out-of-towns.

Wika pa ni Recto, kung nais ng gobyerno na makatipid ay bakit hindi na lamang ito idaos sa munisipyo o city hall o sa kanilang mga tanggapan para hindi na gumastos pa ng malaki.

Aniya, nakasaad sa 2003 budget na maglalaan ang gobyerno ng P2.018 bilyon para lamang sa mga training at seminars ng mga gov’t employees para sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Recto na kung mababawasan natin ang P2 bilyong ito para lamang sa mga seminar ay maiiwasan natin ang inaasahang P200 bilyong budget deficit sa 2003. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

IPINALIWANAG

PARA

RUDY ANDAL

SENATOR RALPH RECTO

SINABI

TINUTULAN

ULAT

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with