^

Bansa

MJ may video vs Nani

-
May hawak na video tape ang kampo ni Manila Rep. Mark Jimenez na magpapatunay ng pagkuha ni Justice Secretary Hernando Perez sa umano’y inextort nitong $2-M na nakadeposito sa Coutts Bank sa Hong Kong.

Sa panibagong bombshell na ibinulgar kahapon ni Jimenez sa ginanap na forum kahapon sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan, sinabi ng solon na nakunan umano sa video tape si Perez sa pagtungo nito sa nasabing bangko bagaman tumanggi itong idetalye kung sa mismong safety vault nakunan ng footage ang kalihim.

Ayon kay Jimenez, maraming beses na umanong nagtungo si Perez kasama ang umano’y bagman nitong si Ernest Escaler, vice president ng Phil. Commercial International Bank sa HK, simula Pebrero hanggang Abril 2001.

Ibinulgar rin ni Jimenez na nagpapagawa na siya ng special power of attorney para kung anuman ang mangyari sa kanya ay may magpupursige ng kaso.

Kasabay nito, hinamon ni Jimenez ang administrasyon na gamitin ang Mutual legal Assistance Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong upang mabuksan ang account na sinasabing pinaglagakan ng $2-M kinikil umano sa kanya ni Perez.

Ayon kay Jimenez, nasa HK na ang kanyang mga abogado upang hintayin ang mga representante ng Pangulo para sa pagbubukas ng account sa Coutts Bank.

Nabatid na ang nasabing $2-M ay nagmula sa isang bangko sa Uruguay at napunta sa Chase Manhattan Bank sa New York City bago pa man mapunta sa Coutts Bank account no.400-9222932 sa HK na umano’y nasa pangalan ni Perez.

Ang tanging gagawin na lamang umano ni Pangulong Arroyo ay ipadala ang naturang agreement, pirmahan at ipag-utos sa NBI at iba pang gov’t lawyers na magtungo sa HK.

Sa ilalim ng kasunduan, pumayag ang dalawang bansa na magkaroon ng kooperasyon sa pagkuha ng ebidensiya laban sa kasong pinanghahawakan ng isang bansa. (Ulat nina Joy Cantos/Malou Escudero)

ASSISTANCE AGREEMENT

AYON

CHASE MANHATTAN BANK

CIUDAD FERNANDINA

COMMERCIAL INTERNATIONAL BANK

COUTTS BANK

ERNEST ESCALER

HONG KONG

JIMENEZ

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with