^

Bansa

SC naalarma sa talamak na bentahan ng TROs

-
Binabantayan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga hukom kaugnay sa umano’y talamak na bentahan ng temporary restraining orders (TROs) sa buong bansa.

Sa ipinalabas na dalawang pahinang administrative circular no.62-2002 ng SC en banc ni Chief Justice Hilario Davide Jr., inatasan nito ang lahat ng hukuman sa bansa na magsumite ng lahat ng kanilang mga ipinalabas na TROs o writ of preliminary injunction

Binigyan ng taning ng SC ng hanggang Enero 15, 2003 ang pagsusumite ng kanilang report upang agad na mabusisi kung nakakaduda ang madalas na pagpapalabas ng TRO ng isang hukom at ang posible na ring pagbebenta nito ng kaso.

Partikular namang tinukoy ng SC na dapat isumite ng mga mahistrado ang lahat ng TRO na kanilang ipinalabas para pigilan ang proyekto ng gobyerno o mga kasong patungkol sa mga pautang ng mga bangko.

Inatasan din ng SC ang mga hukom na isama ang lahat ng title at uri ng mga kaso at status ng mga TROs hanggang sa kasalukuyan.

Nais din umanong malaman ng SC na mabigyan ng linaw kung bakit mayroong ilang hukom na mabagal umaksiyon sa mga kasong kinakailangang magpalabas ng TRO.

Inatasan din ng SC si Court Administrator Presbitero Velasco na tiyakin na masusunod ang kanilang ipinalabas na kautusan sa lahat ng hukom ng bansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

BINABANTAYAN

BINIGYAN

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

COURT ADMINISTRATOR PRESBITERO VELASCO

ENERO

GEMMA AMARGO

INATASAN

LAHAT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with