LRTA ibinagsak ang sisi sa mga bus company
November 20, 2002 | 12:00am
Naghugas kamay kahapon ang tanggapan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isyu ng natagpuang bomba na nakalagay sa loob ng isang powdered milk na may dalawang buwan ng naiwan sa kanilang istasyon.
Sa halip ay ibununton ng LRTA ang sisi sa mga bus companies na baka umano ito ang nalusutan at hindi sila na nagpapatupad ng mahigpit na seguridad.
Sinabi ni LRTA Administrator Teodoro Cruz Jr., na malaki ang kanyang paniniwala na may naganap na "switching" sa loob ng bus terminal at hindi naganap sa LRT lost and found section.
Ang natagpuang powdered milk ay nadiskubre ng mga bomb experts sa San Jose, Camarines Sur na naglalaman ng explosive powder, isang cellphone at wiring sa loob ng isang gatas.
Sa patakaran ng LRTA na ang lahat ng mga naiiwang bagahe o pag-aari ng pasahero ay kanilang inilalagay sa lost and found section at sa loob ng dalawang buwan na ito ay hindi kinuha ay kanilang inilalagay sa Public Relations Department na magdedesisyon kung paano ito madi-dispose.
Sinabi pa ni Cruz na imposibleng may nakalusot na bomb materials sa kanilang istasyon dahilan matalas naman umano ang pang-amoy ng kanilang mga bomb sniffing dogs. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended