Si Finance Secretary Jose Isidro Camacho ay naghain ng pagbibitiw sa Pangulo noong Biyernes na muntik ikaurong nang nilalakad nitong $500 milyong utang ng bansa sa ibayong dagat.
Kaya agad na sinabi ni Press Secretary Igancio Bunye na walang magaganap na courtesy mass resignation dahil napagkasunduan ng mga miyembro ng Gabinte na hindi na kailangan ang ganitong hakbang.
Hindi naman tinanggap ng Pangulo ang courtesy resignation ni Camacho para umano hindi mabawi ang malapit nang mapagtibay na utang. (Ulat ni Lilia Tolentino)