^

Bansa

'Cabinet secretaries 'wag kayong parelaks-relax

-
Nagbabala ang Malacañang sa mga miyembro ng Gabinete na huwag maging kampante sa tungkulin kahit pa tinanggihan ng Palasyo ang mga inihaing courtesy resignation ng ilang Cabinet members.

Nilinaw ni Press Secretary Ignacio Bunye na ang sinumang miyembro ng Gabinete ay maaring alisin sa puwesto anumang oras batay sa desisyon ng Pangulo.

Hindi anya nangangahulugan na porke’t hindi na inoobliga ng Malacañang na magsumite ng courtesy resignation ang mga Cabinet secretaries ay nakatitiyak na mananatili sila sa puwesto.

Ito ay kaugnay ng pagbasura ng Malacañang sa inihaing courtesy resignation nina Secretaries Mar Roxas (Trade), Jose Camacho (Finance) at Housing czar Mike Defensor.

Nauna rito, iginiit ng ilang senador na dapat ay magsumite ng courtesy resignation ang mga Cabinet members upang bigyang laya si Pangulong Arroyo sa pagbalasa.

Subalit ang ganitong estratehiya ay hindi kinagat ng Malacañang dahil isang publisidad lang umano ito at hindi na kailangan. (Ulat ni Ely Saludar)

ELY SALUDAR

GABINETE

JOSE CAMACHO

MALACA

MIKE DEFENSOR

NAGBABALA

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SECRETARIES MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with