Black box ng Fokker narekober
November 16, 2002 | 12:00am
Matapos ang ilang araw na paghahanap, natagpuan na rin ang pinaghahanap na black fox ng Fokker plane -27 Flight 585 ng Laoag International Airlines (LIA) matapos itong bumagsak sa Manila Bay kamakailan na kumitil ng 19 katao.
Sinabi ni Transportation and Communications Sec. Leandro Mendoza na ang buntot ng eroplano na kinaroroonan ng black box o ang flight data recorder na naglalaman ng huling komunikasyon ng mga piloto nito ay nakuha ng mga frogmen ng Phil. Coast Guard noong nakalipas na Biyernes ng gabi.
Bagaman black box ang taguri sa nasabing flight data recorder ay kulay orange ito na iniahon pasado alas-6 ng umaga dahilan hinintay pa umanong lumiwanag at kumalma ang tubig sa lugar na kinabagsakan nito.
Nauna nang bumuo ang DOTC ng 5-man team independent Fact Finding Committee sa pamumuno ni Undersecretary for Transportation Arturo Valdez upang siyasatin ang sanhi ng trahedya na tatapusin ng mga ito sa loob ng palugit na 15 araw.
Ayon sa mga opisyal, kahit na narekober na umano ang black box na nakatakdang dalhin sa London ay inaasahang aabutin pa ng ilang linggo o maaring buwan bago matukoy ang talagang dahilan ng nasabing insidente.
Nagpahayag naman ng paniniwala si Mendoza na malalaman na nila ang sanhi ng plane crash matapos na marekober ang black box at makaligtas ang dalawang piloto na makatutulong ang mga pahayag sa imbestigasyon na sina Capt. Bernie Crisostomo at 1st Officer Joseph Gardiner.
Kaugnay nito, inihayag naman ng mga opisyal ng Air Transportation Office (ATO) na ikinokonsidera nilang sarado na ang kaso sa pagkakatagpo sa black box kung saan sinabi ng mga ito na sira sa makina umano ang pangunahing sanhi ng pagbagsak ng lumang Fokker plane 27.
Sa kabila nito, tiniyak ni ATO Chief Edilberto Yap na hindi pa umano lusot sa kaso ang dalawang nakaligtas na piloto ng eroplano.
" The twin motors may have stopped but we are not discounting the possibility of pilot error ", pahayag ni Yap.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng ATO nabaliko umano ang propeller ng eroplano na nangangahulugan na hindi na ito umaandar ng mag-crash sa Manila Bay noong Nobyembre 11. (Ulat nina Joy Cantos/Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest