^

Bansa

Clarissa idiniin si Erap na talagang si Jose Velarde

-
Sa wakas ay tumestigo kahapon sa Sandiganbayan ang pangunahing witness sa impeachment trial kaugnay sa paglilitis sa kasong pandarambong laban kay dating Pangulong Estrada.

Isinalang sa witness stand si dating Equitable-PCI Bank senior vice president Clarissa Ocampo at muling idiniin na si dating Pangulong Estrada ang nakita niyang pumirma ng 15 beses ng buksan ang trust account sa Malacañang noong Pebrero 4, 2000.

Kampante ring sinabi ni Ocampo sa kanyang pagharap na tumango pa si Estrada na senyales ng pagkakaintindi sa bawat dokumento na kanyang ipinapaliwanag bago ito lumagda bilang Jose Velarde.

"I explained it to him. I told him that the P500 million coming from his account will be lent to Wellex. He nodded several times. He signed as Jose Velarde," ani Ocampo sa korte.

Ang trust account sa ilalim ng pangalang Jose Velarde ay pinondohan ng P500 milyon mula sa regular na savings account sa Juan Luna branch sa Binondo, Manila.

Ipinakita sa korte ang bank documents na nilagdaan ni Estrada bilang Jose Velarde, ang 3 kopya ng Investment Management Agreement, 2 kopya ng specimen signature cards, 3 kopya ng investment guidelines, 2 kopya ng directional letters at isang debit credit authority kung saan nakasulat ang naka-makinilyang Jose Velarde.

Itutuloy ang cross examination kay Ocampo sa Lunes at inaasahang ipapakita ang mga dokumento na magpapatunay kung sino ang may-ari ng Jose Velarde account. (Ulat ni Malou Escudero)

BINONDO

CLARISSA OCAMPO

INVESTMENT MANAGEMENT AGREEMENT

IPINAKITA

ISINALANG

JOSE VELARDE

JUAN LUNA

MALOU ESCUDERO

OCAMPO

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with