Pari nagbigti sa hotel
November 14, 2002 | 12:00am
Dahil sa umanoy cancer sa buto, isang 62-anyos na pari ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng banyo ng inokupahang silid sa isang hotel, kamakalawa sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Rev. Andrew Villamor Sacuyap ng Bonifacio st., Lemery, Batangas at kura-paroko ng St. Peter Church sa Binondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Roger Yalung ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, nag-iisang nag-check-in sa room 307 ang biktima dakong alas-8 kamakalawa ng gabi at nadiskubreng patay ito ganap na alas-11:30 ng gabi ring yun ng katukin ng isang Joel Jimenez, supervisor ng Sogo Hotel sa Cubao.
Sinabi ni Jimenez na tinungo niya ang kuwarto ng pari para ipaalam dito na lumagpas na ito sa oras ng pananatili sa kanilang hotel.
Dahil sa tagal ng kanyang pagkatok sa nakakandadong pinto ay napilitan itong kunin ang duplicate ng susi ng kuwarto.
Nang mabuksan ang silid, napansin umano niyang magulo ang paligid pero wala doon ang biktima kaya minabuting i-check ang buong silid.
Nang buksan ang CR sa naturang kuwarto, laking gulat nito nang tumambad sa kanya ang nakabiting katawan ng pari.
Isang suicide note, seniors citizen ID at isang litrato na naka-abito ito ang nakuha.
Batay sa sulat, nagpapaalam na ito sa St. Peter Church, ang simbahang 44 taon niyang pinaglingkuran.
Nabatid na nauwi umano sa cancer sa buto ang matagal nang idinadaing na pananakit ng paa ng biktima.
Patuloy namang inaalam ng pulisya kung may foul play.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended