^

Bansa

Lider ng simbahan tinuligsa sa kapabayaan

-
Binatikos ng isang supplier ang naging kapabayaan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa ginawang pagpayag ng mga lider ng simbahan na pumasok sa negosyo at gamitin ang pangalan ng simbahan sa pakikipagkalakalan sa pribadong sektor na naging dahilan para mawala ang mga propesyonal at moral na responsibilidad.

Ayon sa negosyanteng si Jonathan Khonghun ng Quadpro Inc., na nahihirapan siyang singilin ang halos P 12 milyong halaga ng computer equipment na ipinautang niya sa CBCPNet,na ipinagmamalaking proyekto ng CBCP sa larangan ng information technology.

Ngunit makalipas ang maikling panahon ay bumagsak ang CBCPNet dahil sa laki ng pagkakautang nito sa katulad niyang suppliers na halos dalawang taon nang hindi nababayaran.

Isinisi ni Khonghun ang nangyaring kapalpakan sa ilang lider ng CBCP,ang organisasyong sumasaklaw sa buong simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Napatunayan ito ni Khonghun nang umamin ang ilang pinuno ng CBCP na hindi nila na-audit ang mga transaksyon at accounts na kontrolado ng kanilang partner na si Eman Lim na sinisisi rin sa pagbagsak ng CBCPNet.

Subalit nagtataka si Khonghun dahil sa hindi pa tapos ang krisis ng CBCP sa utang ay muli itong nagtayo ng CBCP World.

AYON

BINATIKOS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EMAN LIM

ISINISI

JONATHAN KHONGHUN

KATOLIKO

KHONGHUN

NAPATUNAYAN

QUADPRO INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with