Banta ng NPA kay GMA dinedma

Hindi naalarma ang Malacañang sa naging banta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) laban kay Presidente Gloria Macapagal- Arroyo at ilang pulitiko na nangunguna sa hitlist sa ilalim ng ‘Oplan Tumba’.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na itinuturing ng Palasyo na normal lamang ang nasabing banta sa sinumang Presidente ng bansa at opisyal ng pamahalaan.

Naniniwala si Bunye na ang hakbang na ito ng NPA ay dahil nasaktan ang mga ito sa naging deklarasyon ng US na sila ay grupo ng mga terorista. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments