Bentahan ng tocino, longganisa ng mga guro muling nabuhay
November 11, 2002 | 12:00am
Halos magdadalawang buwan pa lamang matapos na lisanin ni dating Education Secretary Raul Roco ang kanyang puwesto ay muling nabuhay ang industriya ng mga guro na longganisa, tocino at puwersahang pagbabayad sa mga tiket sa mga pampublikong paaralan.
Hindi umano umaaksyon ang bagong Education Secretary Edilberto De Jesus sa mga reklamong natatanggap buhat sa magulang ng mga mag-aaral.
Batay sa reklamo ng isang magulang na nagpapaaral ng anak sa Pantok Elementary School sa Binangonan, Rizal na may dagdag na grado ang kanilang anak kung oorder ng tocino at longganisa sa mga guro.
Hiniling ng mga magulang kay Secretary De Jesus na imbestigahan ang mga guro, school principal ng eskwelahan ang ginagawang pagmamalabis ng mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended