Camiling, Aglipay puntirya ng Misuari Breakaway Group
November 8, 2002 | 12:00am
Nasa Metro Manila na umano ngayon ang isang grupo ng mga hit man ng Misuari Breakaway Group (MBG) na may misyon na likidahin ang dalawang mataas na heneral ng AFP at PNP.
Sa intelligence report na nakalap ng AFP, sinasabing titirahin ng MBG sina AFP vice chief of staff Lt. Gen. Gregorio Camiling at si PNP deputy chief for operations, Deputy Director Gen. Edgardo Aglipay.
Ang grupong magsasagawa ng pamamaslang ay kinabibilangan ng isang Kumander Bakiri at limang tauhan nito.
Maliban sa umanoy assassination, puntirya ring pasabugin ng grupo ang AFP relay stations sa Tagaytay at ang Geothermal Power Plant sa Batangas City.
Kasabay nito, tiniyak naman ng militar na masusing pagmamanman na ang kanilang isinasagawa sa grupo ni Bakiri na umanoy kasalukuyang tumutuloy sa tahanan ng isang Hadji Mahmud sa isang Islamic center sa Globo de Oro, Quiapo, Manila.
Matunog ang pangalan ni Camiling dahil isa ito sa mga kandidato bilang susunod na AFP chief of staff sa paglisan sa puwesto ni Gen. Benjamin Defensor sa darating na Nobyembre 18. Kabilang siya sa PMA Class 1969. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest