^

Bansa

Recruitment sa kudeta kinumpirma

-
Kinumpirma ng Philippine Army ang nagaganap na malawakang recruitment ng mga retiradong heneral at mga prominenteng personalidad sa mga sundalo ng AFP upang sumali sa binabalak na kudeta para pabagsakin ang administrasyong Arroyo.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Michael Manquiquis na totoo umano ang insidente na nilalapitan ng mga retiradong militar at personalidad na may impluwensiya sa lipunan ang mga opisyales ng AFP para umanib sa kanila.

Tumanggi si Manquiquis na kilalanin ang naturang mga recruiter na nangako ng mas mabuting pamahalaan ngunit kanilang tinanggihan kung saan sinabi na lamang nito na buo ang kanilang suporta sa rehimeng Arroyo.

Ayon sa intelligence report, kabilang sa mga hinihikayat ng mga anti-Arroyo force sa naturang coup plot ay ang mga tauhan ng 2nd Infantry Division sa Tanay, Rizal; 5th ID sa Isabela, 7th ID sa Nueva Ecija, Special Operations Command ng AFP sa Bulacan, 5th Striking Wings ng Air Force at Phil. Marines sa Fort Bonifacio.

Nauna rito, naiulat na isasagawa umano ang naturang kudeta ngayong buwan o sa darating na Disyembre dahil buo na umano ang kanilang puwersa upang sumagupa sa mga loyal kay Pangulong Arroyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

AIR FORCE

DANILO GARCIA

FORT BONIFACIO

INFANTRY DIVISION

MICHAEL MANQUIQUIS

NUEVA ECIJA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE ARMY

SPECIAL OPERATIONS COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with