^

Bansa

GMA lola na!

-
Babae ang unang apo ni Pangulong Arroyo sa panganay na anak na si Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo matapos magsilang sa pamamagitan ng ceasarean ang manugang nitong si Angela noong Lunes ng gabi sa Makati Medical Center.

Mikaela Gloria ang ipapangalan sa bata na kumbinasyon ng pangalan ng Pangulo at First Gentleman Mike.

Sa Nobyembre 17 pa sana nakatakdang magsilang si Angela pero biglang pumutok ang panubigan nito. Dakong alas-10:45 ng iluwal ang sanggol na tumitimbang ng 7.1 lbs.

Nakuha ng sanggol ang best features ng kanyang mga magulang lalo na ang dimple ng mga Montenegro.

Mula naman sa Cambodia, inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na tuwang-tuwa ang Pangulo ng matanggap ang balita mula sa kanyang anak na si Luli na may apo na siya.

Ayon sa Pangulo, sa grupo ng kanyang mga kasabayan sa pag-aaral ay siya na lamang ang walang naipagmamalaking apo kaya masaya ito at excited ng makita ang sanggol.

Ikinasal sina Mikey at Angela noong Hunyo 24 sa Lubao Cathedral sa Pampanga sa itinuturing na "wedding of the year." (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANGELA

FIRST GENTLEMAN MIKE

LILIA TOLENTINO

LUBAO CATHEDRAL

MAKATI MEDICAL CENTER

MIKAELA GLORIA

PAMPANGA VICE GOVERNOR MIKEY ARROYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with