Travel advisory ng US sa Pilipinas binago
November 3, 2002 | 12:00am
Ikinalugod ng Malacañang ang binagong "travel advisory" ng Estados Unidos sa Pilipinas na nagpapayo sa mga mamamayan nila na umiwas sa pagpunta sa mga lugar na bantang salakayin ng mga terorista.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, sa travel advisory ng US State Department na pinalabas nitong Nobyembre 1 nakasaad ang pagkilala sa ginagawang pagsisikap ng gobyerno para maiwasan o masugpo ang bantang pananalakay ng mga terorista.
Ang babalang ipinalabas ng Amerika noong Oktubre 23 ay iniapela ng Malacañang dahil nakakaapekto sa industriya ng turismo bukod pa sa nagdudulot ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Tiglao, ang Pilipinas ay hindi kasama sa talaan ng 25 mga bansa na ipinapayo ng US sa kanyang mga mamamayan na huwag nang puntahan ng kanilang mga manlalakbay.
Pero sinabi ni Tiglao na ang Pilipinas ay kabilang sa 17 mga bansa na may ipinalabas na Public Announcement ang US para ang mga Amerikanong manlalakbay ay maging maingat kung sila ay pupunta doon dahil sa bantang pag-atake ng mga terorista.
Ayon kay Tiglao, ang travel advisory ay iba sa public announcement dahil ang huli ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa posibleng pananalakay ng mga terorista para makapag-ingat ang mamamayan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended