^

Bansa

Senate presidency aagawin ni Villar?

-
Posibleng hindi matuloy ang kasunduan nina Senate President Franklin Drilon at Senator Rene Cayetano na maghati ng termino sa pamumuno ng Senado sa Enero ng susunod na taon matapos sumingaw ang balita na inaambisyon umano ni Senator Manuel Villar ang nasabing pinakamataas na puwesto sa Kongreso.

Ayon sa impormante, tutol ang mga administration senators na maging pangulo ng Senado si Cayetano kaya ang itinutulak umano ng mga ito ay si Villar upang maging susunod na Senate president.

Ayon pa sa source, isa sa posibleng dahilan ay ang mahina nang pangangatawan ni Cayetano matapos itong dapuan ng viral infection.

Nagsisimula na umanong gumapang ang mga senador na kaalyado ni Villar sa kapwa nila mambabatas mula sa mayorya at minorya upang masiguro ang pagiging Senate president ng dating House speaker.

Siniguro pa ng source na payag naman umano si Villar na maging susunod na pangulo ng Mataas na Kapulungan sa sandaling magkaroon ng botohan sa Enero 2003 kung saan kandidato rin si Cayetano.

Nabigo namang makunan ng pahayag ang kampo ni Villar kung totoong nais nitong sungkitin ang babakantehing posisyon ni Drilon. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CAYETANO

DRILON

ENERO

KAPULUNGAN

KONGRESO

RUDY ANDAL

SENADO

SENATOR MANUEL VILLAR

SENATOR RENE CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with