^

Bansa

Recto napikon sa outing

-
Sinabon kahapon ni Senator Ralph Recto ang mga staff nito partikular ang abogadong nagpayo dito na balewalain ang out-of-town trip para sa mga Senate reporters at magpahinga na lang at unahing ayusin ang umano’y di nila pagkakaunawaan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto.

Nagpupuyos sa galit si Sen. Recto nang mabasa nito sa mga tabloid ang negatibong istorya matapos nitong kanselahin ang itinakda nitong outing sa Batangas para sa mga mamamahayag ng Senado.

Lalong nagalit ang mambabatas dahil lumilitaw pa na ang dahilan ay ang lover’s quarrel nila ni Ate Vi.

Nabatid na isang araw bago tumulak patungong Batangas ang mga reporter ay ibinalita ng mga staff ni Recto na hindi matutuloy ang outing dahil umano sa komplikasyon ng schedule ng senador at dahil na rin sa umano’y LQ nila ni Ate Vi.

Ito ang pangalawang pagkakataon na kinansela ni Recto ang outing kaya nanggalaiti naman sa galit ang mga reporter dahil ilan sa kanila ay nakapag-impake na at nakapagpaalam na sa kanilang opisina at pamilya.

Kahapon, napag-alaman ng mga reporter na isang abugado pala ni Recto ang nagpayo sa senador na balewalain na lamang ang naka-schedule na outing at magpahinga na lang. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ATE VI

BATANGAS

KAHAPON

LALONG

LIPA MAYOR VILMA SANTOS-RECTO

NABATID

RUDY ANDAL

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with