^

Bansa

5 Abu bombers tiklo

-
Bumagsak sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group na itinuturong may kagagawan ng sunud-sunod na pambobomba sa Zamboanga City nitong nakaraang linggo matapos ang matagumpay na operasyong inilunsad sa hideout ng mga ito sa Guiwan, Zamboanga City.

Nakilala ang mga suspek na sina Abdul Jamin Asanul Habi alyas Abdul Asis, 18; Buyungan Bungkak alyas Jul, 19; Rajak Saguyaman alyas Rajak, 27, pawang mga residente ng Curuan, Zamboanga City; Bas Ismael alyas Big Boy/Arab-Arab, 18 at Madznul Abdula Ladja alyas Arjhon Morales/Eddie, 23, kapwa ng Siasi, Sulu. Sila ay nasa ilalim umano ng pamumuno ni ASG commander Abu Solaiman na nakabase sa Sulu. Tatlo sa mga nadakip ay pawang mga bagong recruit.

Isinagawa ang pagsalakay dakong alas-12:15 ng tanghali kasama ang mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Responce (PACER) at Police Regional Office-9 sa bisa ng warrant of arrest ng RTC branch 16 sa tinutuluyang safehouse ng mga suspek sa may Guiwan, Zamboanga City.

Nakatakda namang bigyan ng reward money ang mga sibilyan na nagturo sa kuta ng mga ito habang promosyon naman ang naghihintay sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon.

Sinabi ng Pangulo na bagaman walang salaping gantimpala sa mga pulis, ang pagkakaloob sa kanila ng promosyon ay nangangahulugan ng taas sa kanilang sahod.

Mula Zamboanga ay dinala ang mga suspek sa Villamor Airbase at iprinisinta kahapon ni PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane kay Pangulong Arroyo.

Nakumpiska sa mga ito ang baggage tag ng Shop-O-Rama, 2 kalibre .45 baril na may mga bala; 2 supot ng white powder, mga pako, 2 cellphone, paraphernalia sa paggawa ng bomba at gasolina.

Nakuha rin ang iba’t ibang dokumento tulad ng plano ng dalawang mall na kanilang binomba, mapa ng Zamboanga City, mga resibo ng kanilang mga pinamili gaya ng sulfuric acid at sodium chlorate na ire-reimburse kay Abu Solaiman.

Sinabi ni Ebdane na galing umano kay Solaiman ang kautusan ng pambobomba sa Zamboanga City upang mabawasan ang pressure sa isinasagawang operasyon sa kanilang grupo sa Sulu. (Ulat nina Danilo Garcia,Butch Quejada at Lilia Tolentino)

ABDUL ASIS

ABDUL JAMIN ASANUL HABI

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

ARJHON MORALES

BAS ISMAEL

BIG BOY

BUTCH QUEJADA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with