Namumuro ngayon ang mga opisyal ng gobyerno na maluluho at nagkaroon ng biglaang mga kayamanan matapos na ipag-utos kahapon ni Pangulong Arroyo ang lifestyle check sa mga ito na kinabibilangan ng Cabinet secretaries, undersecretaries, assistant secretaries, mga pinuno ng bureau at govt-owned and controlled corporations at govt financial institutions.
Nagbigay din ang Pangulo ng go-signal sa Presidential Anti-Graft Commission na magsagawa ng ocular inspection sa mga ari-arian tulad ng mga bahay ng mga opisyal ng gobyerno na pinaghihinalaan ang yaman at may maluhong pamumuhay.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos maitala na pang-11 ang Pilipinas sa mga corrupt na bansa.
(Ulat ni Ely Saludar)