Ople nagbabala sa passport syndicate
October 21, 2002 | 12:00am
Hindi mangingimi si Foreign Affairs Secretary Blas Ople na tanggalin sa trabaho ang mga kawani ng departamento kapag napatunayang kasabwat ang mga ito sa passport syndicate.
Hiningan ng tulong ni Ople ang PNP at BID upang maaresto ang sindikato ng pasaporte sa DFA na patuloy ang pamamayagpag, kung saan patuloy ang pagtaas ng mga Pilipinong nabibiktima.
Nabatid na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong ilegal na nakapasok sa ibat-ibang bansa sa Europa partikular sa Italy at France.
Bukod dito ay maraming Pilipina na ipinapadala sa South Korea at Ivory Coast bilang mga prostitutes at bar girls ng mga illegal recruiters at international human trafficking syndicates.
Nagpalabas na ng kautusan ang Kalihim sa consular office sa DFA na agad tanggalin sa serbisyo at kasuhan ang sinumang kawani o opisyal na mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga passport syndicates at sa mga travel at recruitment agencies. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended